Nag-aaral ako sa La Salle.

Ang dami kong kaklaseng Intsik. Apelyidong Uy, Lim, Tan, Co, Go, Chua, Chi, Sy, Wy, at kung anu-ano pa. Pero sa kanilang lahat kay Gilbert Go ako naging malapit. Mayaman si Gilbert kaya mangyari pa, madalas siya ang taya sa tuwing gigim
ik ang barkada.

Isang araw na-ospital ang kanyang ama. Sinamahan ko siya sa pagdalaw. Nasa ICU na noon ang kanyang ama dahil sa stroke. Naron din ang ilan sa kanyang malalapit na kamag-anak.

Nag-usap sila. Intsik ang kanilang usapan.... hindi ko maintindihan.